gusto kong hawakan at amuyin buhok mo.
gusto kitang harutin.
gusto kitang tawagan,hanggang makatulugan moko.
gustko kitang makitang kumaen. habang nginingitian moko.
gusto ko marinig mga kwento mo.
gusto kong andyan lagi sa tabi mo. gusto kong bulungan ka ng i love you, tapos ngingiti ka at sasabihin mong i love you too.
gusto kitang dalahin dito sa bahay. lulutuan kita ng mga simpleng lutong alam ko na gusto mo.
gusto ko tumingin kung magkano nalang pera sa bulsa ko,at pagkasyahin yon sa merienda nateng dalawa.
gusto kong manghingi ng extra ketchup mo.
gusto kong humiga sa kama kasama ka, yung tahimik.
yung yakap lang kita.
gusto ko panoorin ka matulog.
habang hinahaplos ko buhok mo.
gusto kong marinig mag-ring ang telepono. at magulat sa boses mo.
gusto kong gumising sa umaga.
gisingin ka
at hintayin ka sa kanto ng dating bahay nyo.
gusto ko buhatin bag mo.
paypayan ka pag naiinitan ka.
gusto kong takpan ka habang pababa ka ng tricycle.
gusto kong tulungan ka sa pagpipinta mo,
habang nasa tabi moko. habang naamoy kita.
habang unti unti kong hinihimas likod mo.
at pupunasan ko lahat ng pintura sa katawan mo.
gusto kong pumunta sainyo,
at ihahatid moko hanggang sa gate nyo.
at habang papalayo ako.nakikita kong tinitignan mo pa ako.
ngayon ko lang nalaman mga gusto ko.
ikaw ang gusto ko.
gusto kong maharap sa altar hawak ang kamay mo.
No comments:
Post a Comment